Thursday, January 22, 2009

WELCOME


Merong bago na naman mga kapatid... di lang yahoo group kundi may blogspot na rin tayo. YES4CHRIST.... yes na yes tayo kay Kristo...


Maganda na ang communication natin ngayon, may SMS, may e-mail, at ngayon ay may blogspot na tayo. Mainam kasi na lagi tayong nagsusulat, nagbabasa and sharing our thoughts... pati na rin mga nararamdaman ng puso. Ngayon, pati mga pictures natin e mas madaling ma-share sa iba... yung mga nasa ibang bansa, madaling makaka-relate sa mga nangyayari dito sa ating Church. Malapit na nga anniversary natin... Matang-Tubig Unida Church... February 8, 2009 po iyon... Alam nyo po ba kung sino ang speaker natin... magugulat kayo... Si Justice Raoul Victorino... tama! si RVV ang Unida Ecumenical. Nag-speak na sya sa atin dati, nung necrological service kay Mommy Rose... Hay.... si Mommy Rose, nakaka-miss ang Mommy Rose ng Bayan. Well, sa susunod ko na lang siguro ako susulat tungkol kay Mommy Rose, naiiyak tuloy ako...


Balik tayo sa blog at sa anniversary ng MTUC. Halos two weeks na lang at anniversary na. Sa hapon nga pala ay may fellowship ng mga Bible Study at Outreach. Please help us in praying for the celebration. MTUC, for a very long time... ay nag-aasam na magkaroon ng daughter church. O kaya ay mas dumami ang mga dumadalo. We have an average of 110 attendance every Sunday. Excluded dito ang mga dumadalo sa mga BS, around 50 marahil iyon. Kung susumahin 160 pa rin lang iyon. Kung madoble man lamang sana iyon, maganda nang pagpapala iyon. Ibig sabihin ay maraming ding nabe-bless sa worship service natin sa MTUC. Sa palagay ko ay hindi mahirap na abutin ang target na madoble ang Sunday Worship attendance sa MTUC, ngayon pa na mas dadalasan natin ang mga pananalangin... Ang Diyos naman kasi ang kikilos sa ganitong mga pangyayari... gagamitin lang tayo... diba???? Pag inisip mo na ang MTUC ay medyo mapupuno ang mga pews... nakaka-excite!!!!! Tulong-tulong tayo una sa Prayers... Kaya kaya natin ang nightly prayer meetings? Ano sa palagay nyo?


No comments:

Post a Comment