“A WELL CHURCH”
(Kap. Ariel A. Santamaria)
ACTS 2:41-47
41“Those who accepted his message were baptized, and about three thousand were added to their number that day. 42They devoted themselves to the apostles’ teaching and to the fellowship, to the breaking of bread and to prayer. 43Everyone was filled with awe, and many wonders and miraculous signs were done by the apostles. 44All the believers were together and had everything in common. 45Selling their possessions and goods, they gave to anyone as he had need. 46Every day they continued to meet together in the temple courts. They broke bread in their homes and ate together with glad and sincere hearts, 47praising God and enjoying the favour of all the people. And the Lord added to their number daily those who were being saved. “
Sinabi ni Pastor Greg Laurie na ang isang Iglesia nasa mabuting kalagayan, walang sakit, malusog sa madaling salita ay malusog o “Well Church” kung ang Iglesiang ito ay ginagawa ang nga sumusunod na Gawain:
W - WORSHIP (Sumasamba)
E - EVANGELIZE (Humahayo at Nagbabahagi ng kaligtasan ng Panginoong Hesus)
L - LEARN (Nag-aaral/Bukas sa Pagkakatuto)
L - LOVE (Tunay na Umiibig/Nagmamahal)
WORSHIP (SUMASAMBA)
Mahalaga po sa isang Iglesia ang palagiang nagsasama-sama upang magbigay ng karampatang pagsamba sa ating Diyos. Dito ay nagkakaroon ng mabuting ugnayan ang bawat mananampalataya sa pamamagitan ng sama-samang pananalangin, sama-samang pag-aalaala at pagsasagawa ang Banal na Hapunan at sama-samang nagpupuri sa Diyos. (Acts 2:42, 47) Ang Diyos ang dapat na sentro ng lahat ng Gawain sa loob ng Iglesia. Sinabi sa Romans 12:1 – “... to offer your bodies as living sacrifices, holy and pleasing to God – this is your spiritual act of worship.” Minsan po ay mayroong isang maliit na Iglesias a isang Baryo sa Cavite. Katulad din po ito ng ibang mga Iglesia sa panahon niya na ang mga kaanib ay mga magsasaka, tindera sa palengke, manghahabi, labandera, anluwagui, tubero, mason at iba pa. Myroon ding ilan na pinalad na nakapag-aaral sa Maynila. Tumakbo ang panahon na ang mga magulang ay nagkaanak at ang mga anak ay lumaki. Subalit sa mga panahong iyon ay patuloy ang ginagawang pagsamba at pagtitipon tipon ng mga magkakapatid sa pananampalataya. Sinimulan nila ang minsan isang linggong pulong panalangin bukod pa sa Lingguhang pananambahan. Gayon din ang mga pag-aaral ng Biblia sa mga purok. Lalong naging masigla ang mga kapatiran maging ang mga kabataan. Nagsimula nang maging huwaran ang Iglesiang ito sa kanilang baryo. Ang bahay sambahan noon na yari sa pawid ay naging maliit na kapilya na yari sa bato at yero. Di naglaon ay patuloy na dumadami ang kaanib kaya’t minabuti na pagpulungan na magpatayo ng isang mas malaking Kapilya. Sinimulan ang gabi-gabing pagsasama-sama ng mga magkakapatid at pulong panalangin. Dito ay dinala nila ang patuloy na pagpupuri at pagsamba sa Diyos at ang kahilingan na ipakita ang kanyang kalooban. Sa pagpapatuloy ng mga kapatiran sa Baryong ito ay biniyayaan sila ng Diyos ng isang magandang kapilya, isang malaking gusali para sa paaralan, isang kooperatiba na naging malaking bahagi sa pagunlad ng komunidad. Ang pangyayaring ito ay hindi po exclusibo para sa Iglesiang ito sa isang baryo sa Cavite... marami na din pong Iglesia natin ang dumaan sa ganitong pagpapala... ang Iglesia po nating ito sa Rosario ay hindi po kaiba... ang atin pong buong pusong pagsamba at pagpupuri sa Diyos ay walang kaibahan sa ibang Iglesia. . . Ang mga Kristiyano sa Iglesia na nagsuko ang kanilang sarili sa Diyos ay lubos na pagpapalain ng ating Panginoon.
EVANGELIZE (NAGBABAHAGI NG SALITA NG DIYOS)
Sinabi ng ating Panginoon ang ganito sa Matthew 28:19 at 20 “Therefore go and make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father and the Son and the Holy Spirit, and teaching them to obey everything I have commanded you. And surely I will be with you always, to the very end of the age.” Sa patuloy po nating pagbabahagi ng salita ng Diyos sa Salita at sa Ating Buhay ay binanggit po sa verse 47 ang ganito, “ ...And the Lord added to their number daily those who were being saved”. Kasabay po ng habilin ng ating Panginoon ay ang patuloy na buhay ng mga mananampalataya sa magulong mundo. Kung saan ang di pagkakaunawaan maging ng mga magkakapatid sa pananampalataya ay bumabagabag sa pagsamba at pagpupuri ng iglesia. Maging ang mga nagkalat na tukso ay patuloy na sumisira sa ugnayan o relasyon ng mga mananampalataya sa Diyos at maging sa kapatiran. Ang pagtaas ng bilihin ay patuloy nating nadarama na parang wala na yatang katapusan. Sa verse 44 po ay sinabi, “... All the believers were together and had everything in common. Selling their possessions and goods, they gave to anyone as he had need.” Isang paraan po ng evangelisasyon ay ang buhay natin bilang isang Kristiyano. Bilang mga anak ng Diyos, tayo po ay tinitingnan kung paano natin isinasabuhay ang katuruan ng Biblia. Minsan po ay akala natin na kapag nag-share po tayo ng salita ng Diyos gaya ng Four Spiritual Laws, Mahal ka ng Diyos gospel tract o kaya ay iba pang pamamaraan ay nagawa na natin ang ating Gawain sa evangelisasyon. Malaking bahagi po ng pagbabahagi ng Salita ng Diyos ay kung paano natin ito isinasabuhay. . . Isang naging paraan ng binanggit ko na Iglesias a Cavite ay ang pagtatayo ng isang Kooperatiba para sa Baryo. Una itong naging Credit Cooperative hanggang sa lumaon ay naging Multi-Purpose Cooperative. Nang sinimulan ito sa kanyang unang mga taon ay mga kapatiran muna ang mga kaanib hanggang sa unti-unti ay dumami ang kaanib ng kooperatiba. Dahil sa patuloy na pagpapala ng Diyos, marami sa mga kaanib ng kooperatiba na dating katoliko at iglesia ni kristo ang nakakilala sa ating panginoong Hesus. Sa pamamagitan ng maliit na Day care center na naging isang paaralang elementary, high school at kolehiyo at maraming mamamayan ang nakakilala sa ating panginoon Hesus. Ganun din naman po ay may malaking pagkakataon ang Iglesia nating ito sa Rosario na magkaroon ng malaking bahagi sa komunidad na ating kinabibilangan. Ang simpleng pakikipag-kaibigan sa ating mga kapitbahay ay isang mabisang paraan upang sila ay madala natin sa paanan ng ating Panginoon.
LEARN (MAG-ARAL AT MATUTO)
Paano po natin makikilala at madadama ang kadakilaan ng ating Diyos? Ang Biblia po ay puno ng mga salita, kasaysayan, mga aral upang magamit natin sa ating buhay. Ang Lumang Tipan ay puno ng kasaysayan, mga tuntunin, mga tula at kasabihan na makapagbibigay lakas at panuntunan sa ating buhay. Ang bagong tipan ay katatagpuan ng mga kasaysayan at turo ng mga unang mga Kristiyano at ng mga bagay ukol sa muling pagbalik ng ating Panginoon. Marami pong paraan upang tayo ay makapag-aral ng Salita ng Diyos. Andyan po ang mga Bible Studies, sa mga Pulong Panalangin, sa Pananambahan. Marami din mga pagkakataon na ang ating Pamunuan sa Kalipunan ay nagtataguyod ng mga pag-aaral o pagtuturo para sa ikauunlad ng ating pananampalataya. Subali’t kailangan po sa ating paglago ang ating personal na pagbubulabulay ng Salita ng Diyos. Sa pamamagitan po nito at tuwirang magkakaugnay ang ating espiritu sa banal na Espiritu na ating tinanggap mula ng tayo ay maging isang kristiyano. Mahirap po na malaman natin ang kalooban ng ating Diyos sa ating buhay bilang isang Kristiyano o bilang isang Iglesia kung di natin pinagbubulaybulayan ang Kanyang Salita. Ang patuloy po na pag-aaral ng Banal na Tipan o ng Biblia ay kinakailangan. Anu-ano po ba ang dapat nating matutunan? Una po ay kinakailangan nating matutunan kung sino ang Diyos na ating sinasamba. Ang Diyos ni Abraham, ni Isaac at ni Jacob.Ang alpha at ang omega, ang simula at ang wakas, ang lumalang ng langit at lupa at ng lahat ng mga halaman at hayop, ang lumalang sa atin mula sa alabok. Ang iisang Diyos na nagkatawang lupa at nagligtas sa atin mula sa kaparusahan ng kasalanan, ang iisang Diyos na nagbibigay aliw sa sa ating espiritu. Ikalawa ay matutunan nating isuko an gating buhay sa Diyos, Ikatlo ay ang makilala natin ng lubos ang ating sarili. Ikaapat ay ang matutunan natin ang maglingkod ng may pag-ibig at ang huli ay ang pag-iwas at pagpuksa sa tawag ng laman sa ating buhay sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos.
LOVE (PAG-IBIG O PAGMAMAHAL)
Malimit banggitin ni Harold Sala ang mga katagang “You can give without loving, but you cannot love without giving”. Sa madaling salita, ang pag-ibig o ang pagmamahal ang siyang susi kung bakit tayo at nagkakaloob. Ang pagkakaloob ay isang manifestation ng pag-ibig o pagmamahal. Sinisukat ang isang kaloob hindi sa halaga ng ipinagkaloob kundi sa kung gaano ito pinahalagahan ng pinagkalooban. Halimbawa, sa kaarawan ng ating anak ay maaaring napakamahal ng ating biniling regalong laruan tulad ng isang set ng baseball na sa paagay natin ay magugustuhan n gating anak. Subali’t sa pagbukas ng kanyang regalo ay nakita natin na sumimangot ang bata na parang disappointed sa natanggap. Anuman ang kanyang dahilan, sa pagkakataon na iyon na nakita natin ang kanyang reaksyon, di ba’t parang nawalan ng halaga an gating ibinigay. Ang mga unang kristiyano ay buong pusong nagkoloob ng panahon sa worship, fellowship kasama ng mga iba pang mananampalataya, at pananalangin. Pagkakaloob ng anumang kaya para sa mga may pangangailangan. Ang dalawa na pinagkalooban ng talento ay pinagyaman nila ito bilang pagpapahalaga sa nagkaloob nito. Sa pagmamahal at pag-ibig sa loob ng Iglesia ay gayun din, ito ay pinagyayaman at kinakalinga. Ang pagkakaunawan ay dapat pinangingibabaw, ang hustisya ay pinapahalagahan, ang pagkakampi-kampi ay kinakalimutan, ang pagmamataas ay iwinawaksi. Ang pagibig ay nararapat na tapat at busilak sa puso. Ang wika sa Romans 12:9 at mga sumusunod na talata.... “Love must be sincere. Hate what is evil, cling to what is good. Be devoted to one another in brotherly love. Honor one another above yourselves. Never be lacking in zeal, but keep your spiritual fervor, serving the Lord. Be joyful in hope, patient in affliction, faithful in prayer. Share with god’s people who are in need. Practice hospitality. Bless those who persecute you, bless and do not curse. Rejoice with those who rejoice and mourn with those who mourn. Live in harmony with one another. Do not be proud, but be willing to associate with people of low position. Do not be conceited. Do not repay evil for evil. Be careful to do what is right in the site of everybody. If it is possible, as far as it depends on you, live at peace with everyone. Do not take revenge my friends, for it is written, “It is mine to avenge; I will repay” says the Lord.... “
Ang isang Iglesia ay matatag kung ang Diyos ang sinasamba. Ang Iglesia ay tumatatag kunga nag mga kaanib ay sumasamba, humahayo at nagbabahagi ng salita ng Diyos at ng kaligtasang mula sa Anak, matiyagang nag-aaral ng Salita ng Diyos at walang kondisyong umiibig at nagmamahal. Ang iglesiang ito ay magiging epektibo ay magbibigay ng impact sa kanyang pamayanan at magkakamit ng pagmamahal ng karamahan. Pagpalin po tayo ng ating panginoong Hesus.
Wednesday, February 25, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment